Kung ang AlDub ay gay couple…

Akda ni John Toledo

aldub 5
Screencap from https://www.facebook.com/EBdabarkads ‪#‎AlDubAgainstAllOdds‬ ‪#‎KiligPaMore‬

Kinilig ka ba sa wagas na pag-ibig nina Alden Richards at YayaDub (a.k.a. Maine Mendoza)? Tumili ka rin ba nung tinangka ni Alden na takbuhan si YayaDub para pigilan ang kasal na Yakie (YayaDub at Frankie)? Inasam mo rin bang magkatotoo ang pagkakataong magkita sina Alden at YayaDub? Tinamaan ka ba nang sabihin ni Lola Nidora ang kanyang mantrang “nasa tamang panahon”?

Kung gayon, wagas kang fan.

Ito na ang bagong pabebe trend. Parang national event, tinutumbasan ang laban ng pambansang kamao. Maraming titigil at manonood. Makikipag-agawan pa sa remote. Kaya naman sinabon nito si Vice Ganda sa ratings.

Ang sarap marinig sa dubsmash ang mga walang sawang “God gave me you to show you what’s real”, “Darling I, will be loving you till we’re seventy”, at “Naniniwala na ako sa forever, magmula nang makilala kita.”

Minsan napapaisip ako bakit lalaki at babae lang ang pwedeng maging AlDub? Paano kung ang ka-love team ni Alden sa Kalyeserye ay isang BoyDub, alalay ni Lola Nidora na mukhang bodybuilder. Batak at laging nakasuot ng sando, shorts, at tsinelas. Hindi mo aakalaing siya ang tipong mafo-fall kay Alden?

Kung magiging Alden at BoyDub ang Kalyeserye, siguro…

  1. Mag-ala closet gay si BoyDub at laging susulyap sulyap kay Alden.

Unang sulyap ni BoyDub kay Alden, ngingiti ito ng subtle at pakilig. Tapos dadubsmash na agad ito ng “I Want Your Bubble.” Dadaan muna sa ilang pagsubok si BoyDub ng pagkakilig. Itatago niya sa likod ng pamaypay ang pagkakilig kay Alden, basta ‘di lang mahuli ni Lola Nidora. Pupuslit siya minsan ng mga dub, tulad ng “I Really Like You” at “Pare, In Love Ako Sa ‘Yo.”

 2. May halong homophobia ang pagpigil ni Lola Nidora sa kanilang pag-iibigan.

Dahil beast mode si Lola, papakidnap niya si Alden. Pabubugbog niya si Alden sa Rogelios para ‘di na bumalik kay BoyDub. O kaya naman, lalaitin niya si Alden na may sakit, haliparot, pokpok, o paminta. Para bang hindi tao ang mga bakla at bisekswal kundi kasuka-suka rin. Mandidiri rin siya kay BoyDub kaya iisipin niyang “pagamutin” at “ayusin” ito kay Dr. Tan-Ning.

Screencap from https://www.facebook.com/EBdabarkads
Screencap from https://www.facebook.com/EBdabarkads
  1. Pipilitin ni Lola Nidora si BoyDub na magpakalalake.

Behaviorist si Lola Nidora kaya pipilitin niya si BoyDub na manligaw sa isang babae. Hindi niya hahayaang tumakas si BoyDub sa kanyang paningin. Pagagalawin niya itong parang macho na matikas at pa-cool kung lumakad. Ipapasok pa niya ito sa isang military camp para doon maconvert. Kung ‘di umubra, dadalhin ni Lola Nidora si BoyDub sa retreat kasama ang mga pari. Kapag nawalan ng pag-asa si Lola Nidora, ipapa-force rape niya si BoyDub sa isang babae. Marahas.

  1. Ipapakasal si BoyDub kay Duhrizz, ang apo ni Lola Nidora.

Nanakawin ang sikretong diary ni Lola Nidora at tutubusin niya sa halagang 50 million pesos. Tatawagan niya ang New Yorker na si Duhrizz para tumulong. Magiging crush ni Duh si BoyDub. Bilang kapalit ng 50 million, ipapakasal si Duh kay Boy, ‘yun nga lang sa Amerika kasi doon may same-sex marriage law. Nang papaalis na sina Duh at Boy pa-New York, pinigilan sila ni Alden.

  1. Magge-gay kiss sila sa TV. Maghoholding hands sila sa TV.

Magdadampi mga labi nila sa TV. Hindi takot ang Eat Bulaga sa paparating na memo ng MTRCB. Kalaban ng MTRCB ang buong Pilipinas kapag tinuligsa nila ang AlDub. Maliban pa sa gay kiss, magho-holding hands din sila. Ipapakita nila sa buong Pilipinas na hindi kahiya-hiya ang maging gay couple sa telebisyon. Bago matapos ang serye, magdadub sina Alden at BoyDub, “Hi! Kami ang pabebe girls… Kahit sino man kayo, walang makakapigil sa amin!”

Screencap from https://www.facebook.com/EBdabarkads ‪#‎AlDubAgainstAllOdds‬ ‪#‎KiligPaMore‬
Screencap from https://www.facebook.com/EBdabarkads
‪#‎AlDubAgainstAllOdds‬ ‪#‎KiligPaMore‬

Maraming posibilidad ‘no? Share niyo naman ‘yung sa inyo!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s